Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng
3,379 new cases ngayong araw, Agosto 7, dahilan para sumampa sa kabuuang bilang na 122,754 ang confirmed cases sa bansa.
Nadagdagan naman ng 24 ang mga pumanaw sa sakit kaya umabot na ang kabuuang bilang nito sa 2,168 deaths. Habang nasa 66,852 naman na ang mga gumaling matapos makapagtala ng 96 new recoveries ngayong araw.
Sa ngayon, nasa 53,734 ang active cases sa bansa na patuloy sa pagpapagaling mula sa sakit.
Ang mga lugar naman na may matataas na bagong kaso ng COVID-19 na naitatala ay ang mga sumusunod:
National Capital Region (1,846)
Rizal (314)
Laguna (276)
Cavite (145)
Quezon (66)
Sa huling tala naman ng World Health Organization, nasa higit 18 milyon na ang nagkakasakit sa buong mundo at 702,642 dito ay pumanaw na.
