Limang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng “Maskne”

Ang matagal na pagsusuot ay nagdudulot ng pagkakaroon ng “maskne” o tigyawat.

Sa ulat ni Dr. Jean Marquez, isang dermatologist, ito ay karaniwang tinatawag na “Mechanical acne.”

“Meaning ito ay nagkakaroon dahil sa rubbing of the mask doon sa ating skin so nagkakaroon ng irritation at nagdedevelop ito ng acne,” pagpapaliwanag niya.

Ayon kay Dr. Marquez, ang tigyawat daw na ito ay kadalasang makikita sa bahagi kung saan isinusuot ang mask.

“Dito sa mga earlobe especially kung rubber na ginagamit kagaya dun sa mga N95 mask,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Dr. Marquez, ang isinusuot na mask ay tinatrap ang mga pawis, oil, at bacteria ng isang tao sa loob ng mask kung kaya’t mahalagang malaman at sundin ang ilan sa mga paraan na kanyang binigay para maiwasan ang ganitong uri ng sakit sa balat.

  1. Piliin ang uri ng mask na susuotin

Maaaring pumili ng mga mask na malalambot at mas may tamang sukat.

“Mga fibers na mask kagaya ng cotton. We can offer mga disposable masks kagaya ng surgical masks or paper masks,” ani Dr. Marquez.

Binigyang diin rin ni Dr. Marquez na importante na ang mask na susuotin ay hindi masyadong masikip sapagkat magiging sanhi lamang ito ng iritasyon sa balat.

“Mag-cause ng lalong rubbing kasi, ang acne starts with inflammation and irritation and then you develop acne later. That’s why it’s important na hindi rin tamang tama lang ‘yung fit nito sa ating face,” ayon kay Dr. Marquez.

Inirerekomenda rin Dr. Marquez sa mga tao na pumili ng mask na susuotin na gawa sa malambot na uri ng tela upang mabawasan at maiwasan ang iritasyon.

  1. Huwag i-recycle ang mask kung ito ay hindi reusable at rewashable.

Pinapaalalahanan ni Dr. Marquez ang bawat mamamayan na importante na huwag i-recycle ang mask kung hindi naman ito rewashable.

Ang mga disposable masks ay dapat agad na itinatapon ang mga mask na reusable ay kailangan agad hugasan araw-araw.

  1. Gumamit ng fragrance-free soap/facial wash sa paglilinis ng mga mask

Kung lilinisin ang mask, marapat lamang ayon kay Dr. Marquez na gumamit ng facial wash o kaya naman ay fragrance-free soap.

Ayon kay Marquez, ang mga fragrance detergent ay minsan nakakapagdulot ng allergy sa mukha at nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat at maaari din makapagdulot ng allergic reaction sa mga mayroong asthma na dulot ng matinding amoy ng pabango.

  1. Palitan ang mask kung ito ay madumi na kahit ano man ang oras.

Kung ang iyong mask ay naging madumi na, kailangang palitan agad ito. “Otherwise yung bacteria dun sa mask mag-aattract pa yun ng further bacteria from the environment so we wanna remove it,” ayon sa kanya.

“Kapag ‘eto ay nakulog na or andun na yung moist, andun na ‘yung pawis, it can clog the pores then kapag inubuhan mo na puwedeng may mga bacteria na because acne is also bacteria. Nago-grow siya in a humid environment,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Marqeuz na importanteng magdala ng extra na mask upang mapalitan agad kung sakaling nagtanggal ka na ng iyong mask.

Mahigpit niyang pinapaalala na hindi dapat i-recycle ang mask upang gamitin kinabuksan kung ito ay hindi washable o kaya naman ay hindi nahugasan.

  1. Ang kaligtasan ang pinakaimportante

Panghuli, pinaalalahanan ni Dr. Marquez ang lahat na ang pagsusuot ng mask upang panlaban sa Covid-19 ay mas importante kaysa sa pag-iwas sa pagkakaroon ng maskne.

“Kung ‘yun lang po muna talaga mask mo then you should really wear it. Importante yun,” ayon kay Dr. Marquez.

Source: GMA Public Affairs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s