Malaking pagbabago sa COVID-19 response, iaanunsyo ni Duterte

Maaring mag-anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte bukas ukol sa malaking pagbabago sa pagtugon ng Pilipinas laban sa sakit na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa oras na ianunsyo na ito ng pangulo mag-iiba na ang mga bagay bagay sa bansa pero sa ngayon ay ipapanalisa pa ang mga apela at rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Sabi pa ni Roque, mas bago at pinaganda ang mga pagtugon ang pinatutungkulan ng ‘major changes’ na ito gaya ng expanded targeted testing at invigorated contact tracing.

Giit pa niya, mas kaya na ng Pilipinas na magawa ang mga nais nitong gawin katulad ng mas marami nang isasailalim sa COVID-19 testing higit sa inaasahan ng karamihan.

Dagdag pa rito,  may ipapatayo pang dagdag na isolation facilites para sa mga mild at asymptomatic patients at gagamit ang pamahalaan ng mga dormitoryo kapag hindi ito naging sapat.

Photo: ABS-CBN News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s