Ina ni Meyah Amatorio, iginiit na inosente ang kaniyang anak sa pagpatay kay Jang Lucero

Naninindigan ang ina ni Meyah Amatorio na inosente ang kanyang anak sa pagkamatay ng nobya nitong si Jang Lucero. Mas lumalim ang kaso nang dukutin nitong Miyerkules ng tanghali, ika-29 ng Hulyo, ng mga armadong lalaki si Amatorio sa Laguna.

Base sa ulat ni John Consulta sa GMA News “24 Oras”, sinabi ng isang saksi na dalawang lalaki ang nagtungo sa compound ng biktima sa Bay, Laguna kung saan siya kasalukuyang naninirahan at nagpakilala ang dalawang lalaki na may dalang order ng korte para kay Adrian, pamangkin ni Amatorio. Napasilip umano si Amatorio nang biglang may tatlo pang lalaki ang dumating at kinuha sina Adrian at Amatorio.

Wala umano nagawa ang mga tao sa compound na nakasaksi sa pangyayari dahil sila mismo ay tinututukan ng baril ng mga suspek. Maging ang mga kaanak mismo ay nagtamo ng sugat at pasa dahil umano sa pagtulak sa kanila ng mga suspek.

“Di namin nasundan kasi lahat tinututukan nila” sabi ng isang testigo.

Matatandaang si Amatorio ang nobya ng babaeng driver na si Jang Lucero na natagpuang patay sa Calamba noong nakaraang buwan na tadtad ng saksak.

Ang ilang kaanak ni Lucero ay humiling sa National Bureau of Investigation na imbestigahan si Amatorio. Ngunit nanindigan si Amatorio at ang kanyang ina na wala umano itong kinalaman sa pagpatay sa nobya ng kanyang anak.

“Kung kukunin niyo at sasaktan ang anak ko lalo lang kayong nagkamali dahil wala sa kamay niyo ang hustisya”, sabi ni Dolores, ina ni Amatorio.

Naging suspek din sa pagpatay kay Lucero ang dating kasintahan ni Amatorio na si Annshiela Belarmino, ngunit pinalaya din dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa naunang ulat, sinabi ng pulisya na iimbestigahan nila ang pagyayaring pagkuha ng mga armadong lalaki kay Amatorio at aalamin kung may kaugnayan ito sa pagpatay kay Lucero.

Source: GMA News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s