Mga karaniwang dahilan ng pagkaantala ng pagtanggap ng ESP-SAP ayon sa DSWD

Ayon sa Department of Social Welfare Development Region 3, ang mga sumusunod ay mga sitwasyon na karaniwang dahilan ng pagkaantala ng pagtanggap ng ESP-SAP at mga kaakibat na solusyon na maaaring gawin kaugnay ng mga ito:

  1. Walang valid ID
    – Mag-request ng Barangay Certificate sa Barangay Hall.
  2. Mali ang spelling ng pangalan
    – Mag-request ng Certificate of One and the Same Person na pirmado ng kapitan at local social welfare and development officer (LSWDO).
  3. Mali ang pangalan, middle name, apelyido o birthday
    – Ipagbigay-alam ang tamang impormasyon sa itinalagang kawani ng barangay. Ang correction ay isusumite sa LGU na siyang mag-eendorso nito sa DSWD. Ito ay dadaan muli sa deduplication at hintayin muli ang abiso galing sa barangay.
  4. Hindi nakapunta sa payment center para makuha ang ayuda
    – Maaaring pumunta at maging authorized representative ng head of the family ang asawa, anak o anak na menor de edad ngunit kinakailangang may kasamang nakatatandang kamag-anak o LSWDO.
    Mga kailangang dokumento ng magiging authorized representative:
  • Valid ID ng head of the family at ng representative (original at 1 photocopy na may 3 specimen signature)
  • Authentication letter na pirmado ng head of the family
  • Kung namatay na ang head of the family, dalhin ang death certificate nito
  • SAC Form
  • Beneficiary Reference Number
  • 50 pesos para sa Transaction Fee
  1. Hindi naging matagumpay ang pag-cash-out sa ayuda
  • Pumunta sa Barangay upang itama ang personal na impormasyon na naging sanhi ng hindi pagkaka-release ng ayuda. (Ipadadala ng Barangay sa LSWDO ang mga tamang datos na siyang isusumite sa LGU sa DSWD. Ang datos na nakalap ng DSWD ay muling isasailalim sa deduplication.
    -Kung walang duplication of assistance, hintayin ang abiso ng DSWD o ng LGU sa susunod na schedule na pagkuha ng ayuda.

TANDAAN: Ang mga ayuda na hindi nakuha ay ibabalik ng payment centers sa DSWD Central Office. Ang mga ito ay ipadadalang muli sa DSWD Region III kapag may bago nang schedule.

Source: DSWD Region 3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s