Ayon sa pinakabagong balita mula sa COVID-19 Updates ng SJDM Public Information Office, mayroong walong bagong kumpirmadong kaso ang naitala kahapon, Hulyo 19.
– 1 Barangay Tungkong Mangga
– 1 Sto. Cristo
– 4 Graceville
– 1 Kaypian
Ang naitalang kaso sa Kaypian na si CSJDM PC#216, na pumanaw rin noong araw na iyon ay 67 taong gulang na lalaki at may hypertension.
Mayroon ding naitalang dalawang New Recoveries noong Sabado, Hulyo18. Sila ay mga residente ng Barangay San Martin 1 (#210) at Barangay Gaya-gaya (#158). 125 ang bilang ng active cases sa lungsod ayon sa report na nanggaling sa SJDM PIO.
Samantala, nasa ‘MGCQ with local containment strategy and strict local action’ na ang lalawigan ng Bulacan ayon sa inilabas na listahan ni Secretary Harry Roque. Ipinaliwanag ni Roque na ang mga lugar na kasali dito ay mayroon pa ring localized lockdowns at zoning containment. Dagdag pa niya, kinakailangan na i-quarantine ang mga bagong dating na OFW at paigtingin ang T3 (testing, tracing, treatment) sa mga lugar na napapabilang dito.
Sa ngayon ay mayroong kabuuang 870 na confirmed cases ang lalawigan at 547 dito ang active cases. Samantalang 282 ang recoveries at 41 deaths ang naitala kahapon mula sa datos ng Bulacan Provincial Health Office.