8 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa SJDM; 2 nadagdag sa mga gumaling

Naitala ang walong (8) bagong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) habang dalawa (2) naman ang nadagdag sa mga gumaling sa San Jose del Monte, Bulacan ngayong araw.

Ayon sa SJDM Public Information Office, nagmula ang mga bagong kaso sa sakit sa mga sumusunod na lugar:

Kaypian (2)
Dulong Bayan (1)
Lawang Pare (1)
Muzon (4)

Nagmula naman ang mga gumaling sa Barangay Poblacion at Barangay Francisco Homes-Mulawin.

Sa kabuuan, may 227 kumpirmadong kaso na ang nasabing sakit sa lungsod at 131 dito ay active cases habang nasa 84 naman ang mga gumaling.

Wala namang nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 ngayong araw.

Photo: SJDM Public Information Office
Photo: SJDM Public Information Office

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s