Panukalang baguhin ang petsa ng pagsisimula ng klase, pirmado na ni Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na baguhin ang petsa ng pagsisimula ng klase ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act 11480, maaring magtakda ang pangulo ng petsa para sa pagbubukas ng klase batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) kung sakaling mayroong deklarasyon ng state of emergency o state of calamity ang bansa.

Inamyendahan ng batas na ito ang Republic Act 7797 na nagtatakda sa pagsisimula ng klase sa pagitan ng unang lunes ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto.

Sakop nito ang lahat ng basic education schools kasama ang mga foreign o international school sa Pilipinas.

Pinapayagan din ng RA 11480 na magkaroon ng Saturday classes para sa elementary at secondary level.

Matatandaang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na hindi sila nagbabago sa kanilang desisyon na magbukas ang klase sa August 24.

“Hindi kami nagbabago sa aming stand, Mr President, na maximum August 24 talaga. Kasi sa batas last day of August. Last day of August ay weekend. Sa August 24 magbubukas na ang klase whatever form it is,” pahayag ni Sec. Briones sa Pangulo sa kanilang pagpupulong.

Dagdag pa rito, hindi pa rin papayagan ang face to face classes hangga’t walang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 kung kaya’t gagamit ang DepEd ng iba’t ibang paraan sa pagtuturo katulad ng online at modular learning pati na rin ang paggamit ng radio at television network.

Photo: GMA news

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s