TODAY: Naaalala nyo pa ba ang malagim na pagsabog ng water tank sa Muzon?
Alas 3:30 ng madaling noong October 6, 2017 ay nagulantang ang lahat sa mahimbing na pagkakatulog lalo na ang mga residente na nakatira malapit sa tangke ng San Jose Water District sa Carriedo, Barangay Muzon.
Sa lakas ng pagsabog ay nagkawasak-wasak ang mga parte ng tangke at nasira ang mga kabahayang nasa paligid ng nito. Ikinamatay din ito ng apat na katao kabilang ang isang sanggol at ikinasugat ng mahigit apatnapung katao.Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng binuong task force ng munisipyo ay sinadyang pasabugin ang tangke. Dahil hindi naman umano puno ng tubig ito at hindi kayang sumabog mag-isa ng tangke.
Talong taon makalipas ang malagim na pagsabog ng tangke, nakamit na ba ng mga namatay sa pagsabog ang hustisya? Napanagot na ba ang may kagagawan ng pagpapasabog sa tangke? Ano ang motibo sa pagpapasabog? Mga katanungan na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan. | Photo ctto

