Pinakamaraming Covid-19 active cases sa Manila, naitala sa Sampaloc

Ayon sa Manila Public Information Office, ang lugar ng Sampaloc sa Manila ang pinakamaraming naitalang active Covid-19 cases noong Sabado, ika-7 ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Sa datos na mula sa lokal na pamahalaan ng Manila, ang Covid-19 active cases sa lugar ng Sampaloc ay umabot ng 292 active cases.

Sumunod rito ay ang lugar ng Tondo 1 District na may 255 active cases, Tondo 2 na mayroong 133 active cases at Sta. Mesa na may 111 active cases.

Sa kasalukuyan, Tondo 1 District ay mayroong pinakamaraming suspected active cases na umabot na umabot ng 97 at pinakamaraming kaso ng namatay nang dahil sa Covid-19 na umavot ng 87.

Samantala, ito rin ang may pinakamaraming naitalang kaso ng nakarecover mula sa Covid-19 na umabot ng 991.

Ang kabuuang bilang ng Covid-19 active cases sa Manila ay may bilang na 1,253.

Sa kabilang banda, inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno na ang LGU ay may nakahanda ng P200 milyong piso upang ipambili ng Covid-19 vaccines kung ang mga ito man ay pwede nang magamit anumang oras.

Source: Manila Public Information Office

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s