Ostrich sa viral video, patay matapos makaranas ng stress

Ang isa sa dalawang ostrich na nakuhanang tumatakbo sa Quezon City village na nag-viral ay patay na nang dahil umano sa stress ayon sa may-ari na kanya namang ibinigay sa ahensya na nangangalaga sa hayop ang isa pang ostrich.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda nitong Sabado, ibinigay ni Jonathan Cruz ang isang ostrich sa Wildlife Rescue Center noong Biyernes ng tanghali.

“Sad to say, ‘yung isa raw namatay dahil sa stress (he said the other ostrich died due to stress),” ani Antiporda.

Sinabihan ng mga awtoridad ang may-ari ng ostrich na dumalo sa isang technical conference sa Department of Environment and Natural Resources noong Lunes.

“[This is ] to prove kung talagang namatay ‘yung isa, una, pangalawa (first, if one ostrich really died and second), how did they end up in Mapayapa Village,” ayon kay Antiporda.

Ayon sa pahayag ni Antiporda, pinakita umano ng may-ari ang kaniyang permit upang dalhin ang mga nasabing ibon mula sa probinsya ng Mindanao patungong Nueva Ecija, ngunit hindi naging malinaw kung bakit dinala ito sa Quezon City nang walang sapat na dokumento.

Ang may-ari ng nasabing ostrich ay nakatira sa Barangay Balingasa, Quezon City ngunit nakita ang mga ostrich sa subdivision ng Barangay Pasong Tamo na 13 kilometro ang layo ayon kay Antiporda.

Ang mga DENR personnel ay nagtungo sa village ngunit sila ay hindi pinayagan ng mga guwardiya ng village at pinagpipilitan na ang mga nasabing ostrich ay nahuli at naibalik na sa may-ari.

Habang ang nakuhanang video ay patuloy na kumakalat sa social media, ang ibang mga netizens ay napagkatuwaan ito at mayroon din na mga concerned citizens na ipinarating sa ikinauukulan ang nasabing pangyayari at kung legal bang alagaan ang mga ito.

Ayon sa pahayag ni Dr. Rona Rose Sinaon ng Bioderversity Management Bureau, maaaring gawing alaga ang mga ostrich na ito subalit, kailangang mayroong Certificate of Wildlife Registration.

Base sa Republic ​Act 9147, ang pag aalaga ng mga hayop ay illegal unless, ang mag aalaga nito ay may sapat na “financial and technical capability and facility” upang alagaan ang anumang hayop na ito.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s