Umabot na sa kabuuang bilang na 103,185 ang confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagpatala ang Department of Health ng 5,032 new confirmed cases ngayong araw.
Samantala, 301 ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit at may kabuuan na itong 65,557. Habang nasa 2059 na ang bilang ng mga pumanaw matapos makapagtala ngayon ng 20 new deaths.
Sumasailalim naman sa treatment o quarantine ang nasa 35,569 na active cases.
Ang mga probinsiyang may matataas na kaso ng COVID-19 ay ang Metro Manila (2737), Cavite (463), Cebu (449),Laguna (326) at Rizal (201).
Dagdag pa rito, sa matataas na tala ng mga confirmed cases sa mga nagdaang araw, posibleng malagpasan ng Pilipinas ang Indonesia na may 109,936 na kaso bilang bansang may mataas na infection rate ng naturang sakit sa buong Southeast Asia.
Source: GMA News