Kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy ang pagtaas; Metro Manila, ilang lugar, isasailalim ulit sa MECQ

Umabot na sa 106,330 ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, isang araw bago ipatupad ulit ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa ilang mga probinsiya simula bukas, Agosto 4.

Sa datos na inilabas ng Department of Health, 3,226 ang nadagdag sa confirmed cases ngayong araw, Lunes. 38,405 naman ay active cases o patuloy na apektado ng nasabing sakit.

Nasa kabuuang bilang naman na 65,821 ang mga gumaling sa COVID-19 nang matala ang 275 new recoveries. Habang  46 ang nadagdag sa mga namatay sa sakit dahilan para umabot ito sa bilang na 2,104.

Ang mga lugar naman na may pinakamataas na nauulat na kaso ng sakit ay ang Metro Manila (1,541), Cebu (503), Laguna (181), Rizal (158) at Cavite (129).

Samantala, isasailalim ulit sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan simula bukas.

Napagdesisyunan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos hilingin ng ilang medical professionals sa pangunguna ng Philippine College of Physicians na ibalik ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR at karatig probinsiya.

Kaugnay pa nito, nasa 17.66 milyon na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo at 680,894 dito ang mga pumanaw ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s