Pagsusuot ng face shields, inirerekomenda ayon kay Harry Roque

Giit ni Lopez, ang face shield ay makatutulong upang maiwasan ang 99% potential tranission lalong lalo na kapag mayroong suot din na face mask ayon sa isang pag aaral.

“Sa pag-aaral, something like 82% ang naba-block pag may mask. Pero pag may face shield ka pa, almost 99% ang naba-block na potential transmission,” ayon kay Lopez.

“Kaya ho beyond the wearing of mask ini-encourage na rin po natin yung pagsusuot ng face shield lalo na po pag nasa public place, o nasa maraming tao, or nasa public transport,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay presidential spokespperson Harry Roque, ang pagsusuot ng face shield ng bawat Pilipino ay “highly recommended” dahil ito ay bahagi ng “minimum health standards” na kailangang obserbahan upang bumaba ang mga naitatalang kaso ng Covid-19.

“Magkakaroon po tayo ng stringent enforcement of minimum health standards. Ito po ‘yung hugas kamay, suot ng mask at social distancing, at pagsuot na rin…ng face shield,” ani Roque.

Inanunsiyo ni Roque sa pagpupulong kasama sina Pangulong Duterte at ilang kabinete noong Huwebes, ika-30 ng Hulyo, kung saan binanggit niya ang ilang mga kondisyon na dapat gawin ng Metro Manila at CALABARZON upang manatili sa General Community Quarantine (GCQ).

“[It’s] highly recommended,” ayon pa sa isang text message na ipinadala ni Roque.

Sinabi din ni Roque na batay sa ipinakita sa isang pag-aaral, ang pagsusuot ng face shields, na dagdag sa pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing ay mas nakatutulong upang mabawasan ang pagkalat ng virus.

Source: GMA News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s