Biktima ng Sim Swap Scam, Dumadami Ayon sa BSP

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, marami pa rin ang mga taong nabibiktima ng “Sim Swap Scam” o isang proseso ng pag-aalok ng upgrade cellphone sim cards para daw maimprove ang network connection pero ang totoo ay gagamitin lang ito para malimas ang bank account ng isang tao.

Sa isang panayam kay Atty. Gabby Concepcion sa programa ng Unang Hirit, sinabi niya na minsan kaya lang nagkakaroon ng access ang scammers ay dahil na rin sa mga biktima kung kaya’t dapat ay maging maingat at wag basta-basta magbigay ng mga mahahalagang impormasiyon tulad ng mobile number, birth date, atbp.

Dagdag pa nito, paglabag sa Republic Act of 10175 o Cybercrime Law at Access Devices Act of 1998 ang maaaring kaharapin na kaso ng suspek sa sim swap scam.

Source: GMA Public Affairs

Leave a comment