Biyaheng SJDM-Malolos, balik pasada na

Makakabalik pasada na ang  Public Utility  Jeepneys (PUJs) operators na may rutang San Jose del Monte papuntang Malolos via Marilao/NLEX sa darating na Lunes, Hulyo 20, habang nagpapatuloy ang General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan ng Bulacan.

Pinayagan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang nasa 17 PUJ units na makabiyahe na may 50% na kapasidad ng operasyon mula Lunes hanggang Linggo.

Ito ay matapos humiling si Bulacan Governor Daniel Fernando noong Hunyo 22 sa nasabing ahensiya, na pahintulutan ang mga operators na pumasada habang pinapatupad ang GCQ sa lalawigan.

Sa Special Permit na inilabas ng LTFRB, dapat sundin ang mga schedule na ipapatupad sa mga PUJ operator.

Sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Huwebes, nakatalaga ang unang grupo na binubuo ng siyam na operators na bumiyahe sa nabanggit na ruta.

Papasada naman ang ikalawang grupo na binubuo ng walong operators sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Sa una at ikatlong linggo, nakatalaga ang unang grupo samantalang ang ikalawang grupo naman ay sa ikalawa at ikaapat ng linggo ng buwan babiyahe.

Mahigpit din ipapatupad ang ‘No Face Mask, No Ride’ at ‘Social Distancing’  para makaiwas sa pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng mga sasakyan.

Madalas din dapat isagawa ang thermal scanning  sa mga sasakay  sa mga terminal bago pumasada. Ang makukuhaan ng 38 degrees centigrade o pataas ay hindi papayagang bumyahe.

Hinihikayat din ang mga pasahero na magbayad direkta sa tsuper bago sumakay kung sakaling walang Automated Fare Collection System (AFCS) facility ang mga sasakyan.

Kailangan din mag-disinfect ang mga driver sa bawat hinto nila sa mga ruta sa mga parte ng sasakyan na madalas hawakan o dikitan ng mga pasahero.

Para naman sa PUJ at UV express, ang inuupuan ng mga tsuper ay dapat lagyan ng harang gamit ang mga transparent material na madaling maaninag ang mga pasahero.

Lalagyan din ng mga palatandaan ang mga dapat upuan na may one seat apart at ipinagbabawal din ang mga nakatayong pasahero.

Mandato rin sa mga safety officers na tignan ang kondisyon ng mga driver at konduktor at kung sakaling sila ay may mga sintomas ng COVID-19 hindi sila papayagang pumasada at agad na i-quarantine.

Kaugnay pa nito, itinakda rin na sa mga non- airconditioned PUB, 11.00 ang pamasahe sa unang 5 kilometro at 185 kapag lumampas dito.

Sa mga sasakyang airconditioned naman, 13.00 ang pamasahe sa unang 5 kilometro at kung lalampas dito ay aabot sa 220 ang babayaran.

Paalala ng LTFRB sa mga driver at operator, laging sumunod sa mga pinapatupad ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol sa mga paraan para makaiwas sa sakit na COVID-19.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s