Makakaranas ng water interruption ang ilang lugar sa San Jose del Monte, Bulacan ngayong araw, Hulyo 17.
Inihayag ng PrimeWater SJDM sa kanilang official Facebook page ngayong umaga na kabilang sa mga matatamaan nito ay ang Dela Costa Homes III, Mankor Subdivision at Pecsonville.
Kasulukuyan kasing nagsasagawa ang ahensiya ng leak repair activity na magdudulot ng paghina o pagwala ng supply ng tubig sa mga nasabing lugar.
Kaugnay pa nito, hihina din ang supply ng tubig sa mga residente ng Guzmanville, Highview Royale, Lancaster Homes, Northgate Park at KM. 33 (mula Northgate Part papuntang Starmall) mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon ngayong araw.
Ito ay sa kadahilanang sila ay magsasagawa ng system improvement activity sa mga nabanggit na lugar.
Sa kabilang dako, tiniyak ng PrimeWater SJDM na agad na ibabalik ang supply ng tubig sa mga apektadong lugar sakaling matapos ang mga gawaing ito.


