Pagpasok ng mga dayuhan na may long-term visa sa Pilipinas, papayagan

Simula Agosto, papayagan na ang pagpasok ng mga dayuhan na mayroong mga long-term visa dito sa Pilipinas alinsunod sa anunsyo ng Malacañang, Hulyo 17.

Subalit, ang COVID-19 task force ng gobyerno, ay nagbaba ng mga alituntunin ukol sa pagtungo ng mga dayuhan dito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay mayroon silang valid at existing visa kasabay ng kanilang pagtungo sa bansa.

Bukod pa dun, sinabi rin niya na ang mga foreign national ay nasa ilalim ng maximum capacity ng mga inbound passengers sa kanilang pagtungo sa bansa, sapagkat bibigyang prayoridad ang mga babalik na mga Overseas Filipino Worker (OFWs).

Ang mga dayuhan ay nararapat ding may maipakiyang pre-booked accredited quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing provider.

“Dadaan po sila sa proseso. Kinakailangan magpa-PCR test sila pagdating nila. At habang nag-aantay ng resulta sila po ay magi-stay sa quarantine,” binigyan ng diin ni Roque.

“Ito naman po ay hindi mga ordinaryong mga dayuhan lamang. Ito’y mga dayuhan na kinokonsidera nila na ang kanilang tahanan ay nandito sa Pilipinas dahil sila ay mga permanent residents.”

Ang bagong patakaran ay inaprubahan na ng task force ng bansa noong ika-16 ng Hulyo.

Nauna nang pinayagan sa bansa ang pagpasok sa bansa ng mga Pilipino, kanilang asawa at mga anak, accredited foreign government at international organization officials, maging ang mga foreign airline crew.

Noong nakaraang linggo ay itinaas na sa bansa ang ban on non-essential overseas travel ng mga Pilipino ngunit kailangan sumunod sa mga alituntunin tulad ng confirmed roundtrip tickets para sa mga traveling tourist visa at deklarasyon na tumutukoy sa kanilang kaalaman sa mga maaring mangyari sa kanila sa gitna ng kanilang pagtungo sa bansa.

Ulat ni Alyssa Marie Luciano

Photo: Radyo. inquirer. Net

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s