Lumikha ng isang pahina ang gurong si Sir Deo Jamir Cervantes.
Ayon kay Sir Deo, layunin daw ng ginawa niyang pahina na makatulong sa edukasyon lalo ng ngayong marami ang nag-aalangan na magulang na papasukin ang kanilang mga anak dahil sa pandemya.

Target ni Sir Deo na matulungan ang mga batang Facebook lang ang kayang i-access.
Kung saan araw-araw siyang magpapalabas ng mga learning materials, live videos, lessons at iba pa.
Tinawag niya ang pahina na “Tanglaw San Joseño Radio.”