Aktibong traffic enforcer sa SJDM Bulacan, patay sa buy-bust.
Napatay ng mga operatiba ang drug suspect na isang traffic enforcer sa Barangay Gumaok Central dakong alas siyete nitong Webes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Rolando Tigpos Jr.

Napatay ang suspek matapos umanong makipagputukan sa mga operatiba nang matunugan nito na mga pulis ang kaniyang katransaksiyon.
Naaresto naman ang asawa ng suspek na si Marilou Alday at isa pang kasamang si John Carl Doculan.
Inamin ng mga naarestong suspek na nagbebenta nga sila ng droga sa kanilang lugar.
Narekober sa mga suspek ang 13 na sachet ng hinihinalang shabu, 38 caliber na baril at marked money