DOH nagtala ng mahigit limang daang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 15,588 ang kabuuang kaso ng Coronavirus Disease 19 (COVID-19) matapos magtala ng 539 na bagong kaso ang Department of Health, Huwebes, May 28.

Samantala, ang mga nakarekober naman ay nadagdagan ng 92 ngayong araw at nasa 3,598 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Sa kabilang banda, umabot na sa 921 ang mga namatay sa sakit dahil nadagdagan ito ng 17 ngayon araw.

Photo: Scripps Research

Hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine sa ilang bahagi ng bansa at wala pa rin katukuyan kung magpapatuloy pa ang ganitong sitwasyon sa mga lugar na iyon.

Leave a comment