Paano nga ba naging kamangha-mangha ang eco-friendly face shields na ito?
Ang mga face shield na ito ay gawa sa kawayan na masining na ginawa ng mga magsasaka sa Mindanao na nagkakahalaga lamang ng P150 kada isa.
Sa kaniyang facebook page, ipinagmalaking ibinahagi ni Mindanao Development Authority Chairperson Manny Pinol ang mga larawan ng face shields at gayundin ang mga magsasakang gumagawa ng mga ito.
Ayon kay Pinol, masining na ginawa ito ng mga miyembro ng Central Mindanao Green Workers Association na ibinatay sa disenyo ni Agricultural Engineer Junroe Barrios na mula sa M’lang, Cotabato.
Dagdag pa nito, ang grupo na ito ay nagsisimula pa lamang sa pagnenegosyo, sa tulong ng mga magsasaka na kanya kanyang gumagawa ng face shields sa kanilang mga bahay. Kinakailangan pa ng grupo na ito ng suporta upang makapagtayo ng pormal na lugar kung saan kumpleto sa gamit, may working tables, at sanitary equipments.
Sa mga interesadong customer, maaari lamang na makipag-ugnayan kay Mr. Nonoy Jayme (09658873930 o sa 09514131970) o maaari din mag-order sa kanilang Facebook page at website.
Ito ay isang magandang balita pagkatapos mag-anunsyo ang Department of Trade and Industry (DOTr) noong nakaraang linggo na kinakailangan na magsuot ang bawat mamamayan ng face shields.
Source: GMA News








