New Zealand patuloy na nakakarekober sa banta ng pandemya

Ika-100 araw na ng bansang New Zealand nitong Linggo, ika-9 ng Agosto, na walang naitatalang panibagong kaso na tinamaan ng Covid-19 ngunit ayon sa mga health official ay kailangan pa rin ng pag-iingat.

Nananatiling 23 pa rin ang bilang ng Covid-19 active cases at kasalukuyang nasa isolation facilities.

“Achieving 100 days without community transmission is a significant milestone, however, as we all know, we can’t afford to be complacent,” ayon kay director-general of health Ashley Bloomfield.

“We have seen overseas how quickly the virus can re-emerge and spread in places where it was previously under control, and we need to be prepared to quickly stamp out any future cases in New Zealand,” dagdag pa nito.

Naging epektibo umano sa bansang New Zealand, na kasalukuyan ay mayroong 5 milyong populasyon, ang pagpapatupad ng mga implementasyon sa paglaban sa Covid-19 tulad na lamang ng pagsasara ng ilang hangganan ng bansang ito noong ika-19 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon sa World Health Organization ang bansang ito ay isang magandang halimbawa para sa ibang bansa sa paglaban sa Covid-19.

Simula nang ma-diagnosed ang kauna-unahang pasyente noong buwan ng Pebrero, mayroon ng 1,219 na Covid-19 confirmed cases ang naitala sa bansang New Zealand at noong buwan ng Mayo ang pinakahuling naitala.

Dahil dito, ang mga mamamayan ng New Zealand ay kasalukuyang namumuhay ng near-normal at pre-coronavirus lifestyle nang hindi kinakailangan ng social distancing at pinapayagan na pumunta ang mga spectators sa mga sports and cultural events, ngunit mayroon pa rin na istriktong pagmomonitor sa lahat ng arrivals at kinakailangang sumailalim sa 14 days quarantine. 

Ang pamahalaan ng New Zealand ay nananatiling handa sa posibilidad na pagkakaroon ng 2nd wave at pinapaalalahanan ang bawat kabahayan sa paghahanda ng kani-kanilang supply kits na kasama na rin ang mga mask.

Source: GMA News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s