Naitala ang siyam (9) na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang 4 naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit sa San Jose del Monte City kahapon, Agosto 8.
Batay sa inilabas na updates ng SJDM Public Information Office ngayong araw, Agosto 9, nanggaling ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na barangay:
Muzon (1)
Tungkong Mangga (2)
F.Homes-Mulawin (1)
Gumaoc West (1)
San Rafael IV (1)
Minuyan Proper (1)
Sto. Cristo (1)
F. Homes-Guijo (1)
Samantalang ang mga gumaling naman ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:
Barangay Sto. Cristo – CSJDM PC#175
Barangay San Martin III – CSJDM PC#257
Barangay Graceville – CSJDM PC#282
Barangay Gaya-gaya – CSJDM PC#274
Sa kabuuan, 457 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod at 215 dito ay active cases. Habang nasa 223 recoveries naman na ang naitatala at nanatili parin sa 19 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit.
