COVID-19 cases sa bansa, sumampa na sa higit 126K 

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Southeast Asia matapos magkapagtala  ang Department of Health (DOH) ng 4,226 new cases kaya umabot na sa 126,885 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit ngayong araw, Agosto 8.

Ito ang pangsampung beses na nakapagtala ng higit sa 3,000 bagong kaso sa isang araw ang bansa.

Ang mga probinsiya o lugar na may matataas na bilang ng naililistang bagong kaso ng sakit ay ang mga sumusunod:

Metro Manila – 2,669
Laguna – 285
Cavite – 154
Cebu – 125
Rizal- 118

Samantala, nadagdagan naman ng 287 na mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19 kaya sumampa na ang kabuuang bilang nito sa 67,117. Habang ang death toll ng bansa ay nasa 2,209 na matapos madagdagan ito ng 41 pang mga pumanaw sa sakit.

Sa ngayon, 57,559 na ang active cases o patuloy na nagpapagaling mula sa sakit. Sa bilang na ito, 91.4% ang may mild case, 7.3% ang asymptomatic, 0.7% ang may severe case at 0.6% naman ang nasa critical condition.

Sa huling datos naman ng World Health Organization (WHO), nasa 18.9 milyon na ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo at 709,511 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay sa naturang sakit.

Photo: Nature Research
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s