19 bagong kaso ng COVID-19 sa SJDM, naitala ; 11 nadagdag sa mga gumaling ngayong araw

Naitala ang 19 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang 11 naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit sa San Jose del Monte City ngayong araw, Agosto 6.

Batay sa inilabas na updates ng SJDM Public Information Office, nanggaling ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na barangay: 

Muzon (5)
Kaypian (6)
Gaya-gaya (1)
Tungkong Mangga (1)
Francisco Homes-Mulawin (1)
Francisco Homes-Guijo (2)
Kaybanban (1)
Bagong Buhay III (1)
Assumption (1)

Samantalang ang mga gumaling naman ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

Barangay Gaya-gaya – CSJDM PC #233, #281, #234, #121, #122, #201.
Barangay Graceville – CSJDM PC #269, #271
Barangay Kaypian – CSJDM PC #221
Barangay San Martin IV – CSJDM PC #237
Barangay Sta. Cruz I – CSJDM PC #259

May naitala ring isang (1) panibagong COVID-19 Death at siya ay si CSJDM PC#421 mula sa Barangay Francisco Homes-Mulawin.

Sa kabuuan, 434 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod at 207 dito ay active cases. Habang nasa 208 recoveries naman na ang naitatala at umabot na sa 19 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit.

Photo: SJDM Public Information Office

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s