PH, nangunguna na sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia

Sumampa na sa 115,980 ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas dahilan para maungusan ng bansa ang Indonesia sa pagkakaroon ng pinakamataas na kaso ng naturang sakit sa mga bansa sa Southeast Asia

Ito ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 3,462 bagong kaso ng sakit ngayong araw, Miyerkules.

Sa tala ng Indonesia noong Martes, nasa 115,056 ang kanilang kumpirmadong kaso ng COVID-19. Samantalang ang kanilang active cases ay nasa 37,618 mas mababa kaysa sa Pilipinas na may 47,587 na dahilan rin kung kaya ang bansa ang may pinakamataas na aktibong kaso sa rehiyon ng Timog-Silangan Asya.

Ang mga lugar naman na may pinakamatataas na nauulat na kaso ng sakit ay ang National Capital Region (2,434), Laguna (105), Rizal (101), Cavite (73), Cebu (62).

Samantala, siyam (9) ang nadagdag sa mga pumanaw sa COVID-19 kaya umakyat na sa kabuuang bilang na 2,123 ang local death toll. Habang nasa 66,270 ang sumatutal ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 222 new recoveries ngayong araw.

Kaugnay pa niyan, nasa 18.12 milyon ang kasalukuyang kaso ng COVID-19 sa buong mundo habang 691,013 dito ay namatay sa naturang sakit batay sa pinakahuling datos ng World Health Organization.

Photo: International Federation of Red Cross
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s