Naitala ang siyam (9) na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang pito (7) naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit sa San Jose del Monte City ngayong araw, Agosto 5.
Batay sa inilabas na updates ng SJDM Public Information Office, nanggaling ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na barangay: Muzon (2), Kaypian (2), Francisco Homes-Mulawin (1), Gumaoc East (1), Fatima I (1) Tungkong Mangga (1) at Sto. Cristo (1).
Samantalang ang mga gumaling naman ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:
Barangay Muzon:
CSJDM PC#200
CSJDM PC#202
CSJDM PC#203
Barangay Dulong Bayan
CSJDM PC#137
CSJDM PC#138
Barangay San Manuel
CSJDM PC#85
Barangay Bagong Buhay III
CSJDM PC#235
Sa kabuuan, 415 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod at 200 dito ay active cases. Habang nasa 197 recoveries naman na ang naitatala at nananatili sa 18 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit.
