Quarantine pass, kinakailangang gamitin muli sa mga lugar na may MECQ ayon kay Año

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año noong Lunes na kakailanganing gamitin ng mga residenteng naninirahan sa mga lugar na may Modified Enhanced Community Quarantine ang kanilang mga quarantine pass.

“Under MECQ, kailangan natin ng quarantine pass. Pinagusapan na namin ng mga NCR mayors ‘yan,” Año said in a radio interview. “We leave it to the LGU kung paano nila i-implement.”

Pinalalahanan ni Año ang publiko na ang pagbiyahe ay para lamang sa mga kinakailangang bumiyahe. Dagdag pa nito, ang transportasyon ay limitado para sa mga commuters.

Asahan din ng publiko na magkakaroon uli ng checkpoints sa mga lugar na may MECQ ayon kay Año.

“Ibabalik natin ‘yan, especially ‘yung sa mga borders ng outside ng MECQ areas…” ani Año.

Noong Linggo ng gabi, ika-2 ng Agosto, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang NACR, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal ay isasailalim sa MECQ mula Agust 4-18.

Ito ay ipinatupad matapos hilingin ng mga health workers na ibalik sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo upang magkaroon sila ng oras at pahinga at magkaroon ng sapat na paraan upang labanan ang Covid-19.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s