Maraming tao pa rin ang nagaadjust sa buhay na kinakaharap ng mundo ngayon at mahirap mamuhay sa bagong yugtong ito pero kailangan pa rin naten gawin ito. Silipin ang ilanh eksena sa loob ng isang sikat na pasyalan o mall sa lunsod ng San Jose Del Monte, tignan kung gaanot kalungkot ang ikot ng bawat tao sa loob.
Walang ingay ng bata at mga bungangang nakikipagtalastasan ngunit tahimik na tahimik ang buong paligid, pinipili na lamang ng mga tao na wag magsalita ng masyado.
Hanggang kelan kaya ito mangyayati sa mundo ? Kelan din kaya masisilayan ng mga bata ang dati nilang kasiyahan kapag pumupunta sa ganitong pasyalan. Ang bawat tao ay patuloy lang sa paglalakad at animo’y parang mga walang alam sa mundong ginagalawan.
Bihira na rin ang kainan na dinudumog ng mga pamilyang gutom dahil sa pamamasyal ngunit ang makikita mo nalang ay ang mga taong namimili at may dala dalang mga plastic bag ng grocery items nila.
Wala nang masasayang mga batang tumatakbo dahil bawal nga ito sa panahon ngayon at pati ang mga magkarelasyon na magkahawak kamay ay wala na rin dahil sa social distancing protocol na kailangan sundin ng buong bayan.
Kelan kaya ulit masisilayan ang mga ganito ? Maraming humihiling niyan kahit sa “New Normal” lamang ito magawa.