Nasa 98, 232 na ang kabuuang bilang ng kaso ng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 4,963 na bagong kaso ng sakit ang Department of Health ngayong araw.
Samantala, nasa 93 ang nadagdag sa mga gumaling kaya umabot na sa 65,265 ang mga ito. Habang 17 naman ang naitalang namatay sa sakit at may kabuuang bilang na ito ng 2,039.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa 30,928 dito ay active cases.
Nangunguna sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng sakit sa nagdaan na 14 na araw ay ang Metro Manila (2,087), Region 4A (959) at Region 7 (223).
Sa mga namatay naman, 4 ang nagmula sa buwan ng Hunyo at 13 naman ang mula ngayong buwan. Nanggaling ang mga ito sa Metro Manila (5), Region 4A (5), Region 7 (4) Region 1 (2) at Region 9 (1).