Naitala ang 18 panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang 23 naman ang nadagdag sa mga naka-rekober sa sakit sa San Jose del Monte City kahapon, Hulyo 31.
Batay sa inilabas na updates ng SJDM Public Information Office, nanggaling ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na barangay:
Francisco Homes-Mulawin – (1)
Francisco Homes-Narra – (1)
Sto. Cristo – (2)
Muzon – (4)
Ciudad Real – (1)
Francisco Homes-Yakal – (1)
Tungkong Mangga – (2)
San Manuel – (1)
Poblacion I – (3)
Gaya-gaya – (1)
Graceville – (1)
Samantalang ang mga gumaling naman ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:
°Barangay Lawang Pare: CSJDM PC#174
°Barangay Kaypian: #129, #169, #82, #306
°Barangay Sto. Cristo: #181, #161
°Barangay Minuyan Proper: #135
°Barangay Muzon: #96, #168, #182, #156, #150, #141, #207, #176
°Barangay F. Homes-Mulawin: #157
°Barangay Graceville: #172
°Barangay Gaya-gaya: #152, #153, #151, #154
°Barangay Sta. Cruz II: #180
Sa kabuuan, 335 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod at 186 dito ay active cases. Habang nasa 153 recoveries naman na ang naitatala at nananatili sa 16 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit.
