Naitala ang 17 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang pito (7) naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit sa San Jose del Monte City ngayong araw.
Batay sa inilabas na updates ng SJDM Public Information Office, nanggaling ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na barangay:
Muzon (6)
Francisco Homes-Narra (3)
Kaypian (3)
Sto. Cristo (1)
Gaya-gaya (3)
Citrus (1)
Samantalang ang mga gumaling naman ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:
Barangay Graceville: CSJDM PC#212, #213, #214, #215, #159
Barangay Dulong Bayan: CSJDM PC#183
Barangay Muzon: CSJDM PC#358
Sa kabuuan, 372 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod at 196 dito ay active cases. Habang nasa 160 recoveries naman na ang naitatala at nananatili sa 16 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit.
