20 milyong Pilipino maaaring makatanggap ng libreng Covid-19 vaccine ayon kay Finance Chief Dominguez

Tinatayang 20 milyong Pilipino ang inaasahang makakatanggap ng libreng Covid vaccine ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez sa press briefing noong Huwebes ng gabi na iniulat noong Biyernes ng umaga, ika-31 ng Hulyo. Dagdag pa nito, may kakayahan umano ang pamahalaan na pondohan ng 20 billyong halaga ang Covid-19 vaccines na inaasahan sa katapusan ng taong 2020.

“May three pharmaceutical companies na po sa China, one from Great Britain, one from the US na nasa advanced stage na. By around October, matatapos ang trials, so before December, most likely ma-aapprove ito ng Food and Drug Administration nila,” ayon kay Dominguez.

” When that happens, DOH ang mamimili ng tamang bakunang bibilhin. May financing na po kami. The vaccine will be free for 200 million people, $10 pero dose, mga P20 billion po,” dagdag pa nito.

Ayon kay Doninguez, ang mga vaccines ay bibilhin thru Philippine International Trading Corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry na ituturnover sa Department of Health.

“Once this [purchase] is made, ituturnover sa DOH para magamit nila sa poorest of the poor, iyong lowest 20 million [income earners] in the country,” sambit ni Dominguez.

“DOH will put this in their budget, they will pay this P20 billion in two to three years, babayaran nila thru financing ng Landbank at DBP (Development Bank of the Philippines),” dagdag ni Dominguez.

Sa kasalukuyan mayroong mahigit 89,000 kaso ng Covid-19 ngunit mahigit 22,000 lamang ang active cases. Ito ay dahil sa pagdami ng mga taong nakarecover sa Covid-19 na umabot ng mahigit 38,000 base sa tala na iniulat ng DOH.

Source: GMA News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s