Kinumpirma ng Department of Agriculture na ang dahilan ng pagkatay sa mahigit 30,000 na manok sa probinsya ng Pampanga ay dahil sa pagkalat ng avian influenza.
Ayon sa DA, ang nasabing poultry farm ay matatagpuan sa San Louis. Dagdag pa ng ahensya, iniulat ng may ari ng chicken poultry farm ang insidenteng ito matapos mamatay ang ilan sa mga manok.
Isa umanong Avian Influenza Strain A(H5N6), na maaaring makaapekto sa tao, ang ang dumapo sa mga manok ayon sa ulat ng DA.
Kung kaya’t mahigit 30,000 na manok ang kinatay at inilibing upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing bird flu virus na ito.
Sinabi din ng DA na ito ay dahil sa mga migratory birds na nanggagaling sa iba’t ibang bansa na may avian influenza na kadalasang nagtutungo sa Pampanga.
Noong ika-23 ng Hulyo, inanunsyo ng DA at ilang lokap na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija at pati na din ng Gitnang Luzon na matagumpay na nakontrol ang pagkalat ng nasabing virus na nakaapekto sa ibang barangay noong Marso ng kasalukuyang taon.
Source: GMA NEWS