Adrian Ramos, pamangkin ni Meyah Amatorio, natagpuang patay sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Jang Lucero

Matapos ang ilang oras, mula noong Miyerkules ng tanghali, na pagdukot ng mga armadong lalaki kina Meyah Amatorio, nobya ni Jang Lucero, at ang pamangkin nitong si Adrian Ramos ay natagpuan na lamang ang bangkay ni Ramos sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Jang Lucero.

Ayon sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras”, ang bangkay ni Ramos ay natagpuan na lamang sa Calamba na hindi kalayuan sa lugar kung saan natagpuan din ang bangkay ni Jang Lucero ilang linggo na ang nakalilipas.

Natagpuan ang bangkay ni Ramos na nakatali ang kamay, nakapiring ang mga mata, at may nakapatong na karton kung saan may nakasulat na “MAMATAY TAO, PUSHER AT HOODLUM AKO, WAG TULARAN”.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at patuloy na inaalam kung may kinalaman ito sa pagpatay sa driver na si Jang Lucero.

Source: GMA News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s