Tourist spots sa lungsod ng SJDM, binuksan na ng Pamahalaang Lungsod

Sa kasalukuyang umiiral na Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa ating lungsod, naglabas ang ating Punong Lungsod ng Executive Order No. 2020-019 “An Order Establishing the Protocols and Procedures for the Opening of Tourists Spots in the City of San Jose del Monte, Bulacan” kung saan pinapayagan ang 50% Operation ng mga tourist spots kabilang ang Mt. Balagbag, Kaytitinga Falls, Padre Pio Mountain of Healing, The Rising Hearts, at Our Lady of Lourdes Grotto Shrine.

Nakapaloob dito ang mga alintuntunin na dapat sundin para sa kaligtasan ng ating mga kababayan laban sa Covid-19.

Kabilang sa mga alituntunin na nakapaloob dito ay ang mga sumusunod:

1. Bawat tourist site ay may nararapat lamang na bilang ng tao na maaaring pumunta kada araw.
-Mt. Balagbag (200 persons per day)
-Kaytitinga Falls (200 persons per day)
-Padre Pio Mountain of Healing (50 persons per batch, 4 batches)
-The Rising Hearts (20 persons per batch, 4 batches)
-Our Lady of Lourdes Grotto Shrine (100 persons per day)

2. Lahat ng turista, maliban na lamang sa may mga edad na 21 taong gulang pababa at 60 taong gulang pataas pati na rin ang may mga immunodeficiency, comorbidity at iba pang may mga sakit sa kalusugan, na gustong bumisita sa kahit na anong tourist spot ng CSJDM ay kinakailangang magkaroon ng Tourist Pass galing sa City Tourism Office.

Requirements:
-Medical Certificate
-1 valid identification card

Procedures:
-Sagutan ang online form (https://docs.google.com/forms/d/1Xzyo55bdJvEQrgcxKeRt8ObOFFYSC73jt3YojT5Un7c/viewform?edit_requested=true) at i-send ang requirements sa City Tourism Office thru email.
-Kumuha ng Tourist Pass galing sa City Tourism Office na matatagpuan sa City Hall Building, Brgy. Poblacion I.
-Ipakita ang Tourist Pass sa entrance ng tourist spot na nais puntahan at magtala sa visitor’s log book.

Source: CSJDM Tourism

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s