3 suspek sa panggagahasa, kabilang ang 2 menor de edad, arestado

Ayon kay Camp Gen. Alejo S. Santos ng Malolos, Bulacan, 3 ang arestado kabilang na ang 2 menor de edad sa panggagahasa ng 14 taong gulang na babae sa Brgy. Muzon, CSJDM, Bulacan noong July 21, 2020.

Kinilalang sina Jelan Sucgang y Pronton, isang construction worker na 30 taong gulang, at ang dalawang menor de edad na may edad na 16 at 17 taong gulang ang mga suspek sa panggagahasa na mga pawang residente ng Harmony Hill I, Brgy. Muzon, CSJDM, Bulacan ayon kay PCOL Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP.

Base sa ulat ni PLTCOL Gil A. Domingo, Chief of Police ng SJDM Police Station, ang mga suspek at biktima ay nagkaroon ng inuman sa bahay ng suspek na si Jelan Sucgang. Ang biktima ay pumunta na ng kama upang matulog nang siya ay malasing na kung saan ay ginawa itong oportunidad ng mga suspek upang gawin ang panggagahasa.

Isa sa mga kaibigan ng biktima ang nakakita sa insidente na agad namang tumakbo papalabas at humingi ng tulong. Buti na lamang ay mga tanod na nagpapatrol sa lugar para magkaroon ng agarang responde at mahuli ang mga suspek.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nakaturned-over sa San Jose Del Monte City Police Station para sa paghahain ng mga kaso.

Sa kabila ng krisis sa Covid-19, ang Bulacan Police ay mananatili sa pagpapatupad ng mga kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad ayon kay Regional Director ng PRO3 PBGen Rhodel O. Sermonia.

Source: Bulacan Police Provincial Office

Photo Credits: PPO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s