Tsismoso, tsismosa, malaking tulong sa contact tracing

Maaring may malaking gampanan ang mga tsismosa o tsismoso para makatulong sa ginagawa ng pamahalaan na ‘contact tracing’ sa mga nagkakasakit sa Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa isang artikulong inilabas ng National Geographic na may istorya kung paano pinamahalaan at pinanatiling COVID-19 free ng isang community doctor ang isang bayan sa Nueva Vizcaya  sa pamamagitan ng pag-quarantine, contact tracing at mga tsismis.

Isa sa mga nakakatulong para kay Dr. Anthony Cortez para hindi kumalat ang sakit sa nasabing lugar na may 56,000 katao ay ang mga tsismoso’t tsimosa.

Dahil dito, nalalaman niya kung sino ang mga lumalabas at pumapasok sa kanilang bayan.

“Village chiefs asked people known to keep an eye on the neighbors, usually elderly women, to keep tabs on new arrivals to the village. The chief then reports the news to the doctor, who sends nurses to follow up,” saad sa report ng National Geographic.

Kinokonsidera rin ito ni Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, Director of the Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7) na ang pagkalat ng tsismis ay  magagamit sa contact tracing na isinasagawa ng bawat rehiyon sa bansa.

“I heard last night, what do we call this, the ‘tsismoso’ brigade. They could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we (can) ask you to help us sa atong (with our) contact tracing… instead na paglibak, naa silay maayong matabang (instead of backbiting they can do something good),”ani Ferro.

Ayon pa sa kaniya, maging sangkot dapat ang publiko sa mga pamamaraang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan para mahinto ang pagkalat ng nasabing sakit.

“This health emergency crisis in not only the job or responsibility of the police, the military or the local government. This is a responsibility of every Sugboanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano, Bisaya and all Filipino citizens,” sabi ni Ferro.

Source: Philippine Star

Photo: Radyo Agila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s