READ: Nagbigay suporta si Pangulong Duterte kaugnay sa pag-uulat ni Sec. Briones tungkol sa ‘face-to-face learning’ na maaaring isagawa sa low risk areas.
Inirekomenda na sa Enero 2021 ay sisimulan ang face-to-face learning sa mga piling paaralan lamang. Magkakaroon ng masusing inspeksiyon ng DepEd, DOH, IATF, at LGU bago payagan ang mga paaralang ito na magsagawa ng face-to-face classes.
Ilan pa sa mga tinitingnan na feature ng ‘limited face-to-face learning’ ay ang pagsasagawa nito sa loob lamang ng isa o hanggang dalawang araw sa isang linggo at paglimita sa pagtuturo ng pinakamahahalagang lesson lamang.
Source: DepEd Philippines


