Miyembro ng AFP, arestado sa kasong pagpatay

Arestado ang isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kasong pagpatay sa dalawang nakainuman sa AFP/PNP Housing, Bocaue Hills, Barangay Batia, Bocaue kahapon.

Kinilala ang suspek na si Sgt. Bernardino Maitem Jr. y Sereno, 45, at mga biktima nito na sina Antonio Geraldo y Moto, 47, at ang lalaking kilala sa alyas na ‘Pistol’ , 21, ayon kay Police Colonel Lawrence Cajipe, Provincial Director of Bulacan PNP.

Base sa datos mula kay Police Major Marvin Aquino, Officer-in-Charge ng Bocaue Municipal Police Station, ang suspek kasama ng mga biktima ay dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang kapitbahay dakong 2:30 ng hapon, Hulyo 18.

Nangyari ang insidente nang agawin ni Edgar Bona Obra, anak ng isa sa biktima, ang mikropono kay Sgt. Maitem habang nagiinuman at nagkakantahan ang mga ito na naging dahilan para kumuha ng baril ang suspek sa kanilang bahay.

Nang makabalik sa nagaganap na selebrasyon, nagkainitan sina Sgt. Maitem at ang mag-ama na sina Geraldo at Bona Obra na nahantong sa suntukan.

Sa kalagitnaan ng mga pangyayari, binunot ng suspek ang baril nito at pinutok kay alyas ‘Putol’ na naging sanhi nang agarang pagkamatay nito.

Hindi rin nakaligtas sa pamamaril ni Sgt. Maitem si Geraldo habang tumatakas ito palayo sa suspek. Sinugod siya sa Rogaciano Memorial Hospital sa St. Maria, Bulacan ngunit namatay rin habang ginagamot.

Narekober ng mga awtoridad ang limang basyo ng bala at apat na live ammos sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Habang hinuhuli naman ang suspek, nasabat ang isang Glock Gen IV USA 9×19 series Pistol with serial no. AFP033490 at isang magazine na may laman na 17 live ammos.

Sinisiguro naman ng Bulacan Police na sa gitna ng pandemyang dulot ng Corona Virus Disease 2019 ( COVID-19) sa bansa, hindi tumitigil ang kapulisan na ipatupad ang kanilang maigting na kampanya kontra sa mga gawaing kriminal sa lalawigan.

Photo: Bulacan Police Provincial Office
Photo: Bulacan Police Provincial Office
Photo: Bulacan Police Provincial I
Photo: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s