Pagbaba ng COVID-19 curve sa Hulyo, Agosto malabo – eksperto

Malabo pang bumaba ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) curve ng bansa pagsapit ng Hulyo o kaya Agosto, ayon sa isang eksperto.

            Ayon kay Profesor Guido David ng University of the Philippines Institute of Mathematics, medyo mabilis pa ang trend o trajectory na humigit-kumulang 2,000 COVID-19 cases kada araw. 

            “Ngayon mabilis pa yung trajectory so ‘yun ang goal natin pero hindi pa mangyayari yun sa July or August kasi yun nga medyo mabilis pa eh bumibilis nga eh,” ani David sa panayam sa Teleradyo. 

            “Pero ang inaasahan natin yung mga solutions natin ngayon gagana hindi ko pa nakikitang July or August magpa-flatten na sya kunyari napa-ano natin maybe by September.” 

Sa katunayan, posible pa umanong dumami sa 80,000 hanggang 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Hulyo. 

Ayon kay David, mas mabilis ang pagkalat ng virus sa Metro Manila sapagkat nasa 1.3 ang reproduction number nito na kung saan mataas din ang positivity rate nito. 

Subalit umaasa pa rin siyang mapapabagal ito lalo’t naghayag na ang gobyerno na mas magiging alerto ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga intervention o protocol. 

Mula sa datos ng Department of Health, nasa 61,266 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa. 

Sa kabuuan, nasa 21,440 na ang gumaling sa sakit at 1,643 ang pumanaw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s