Nagtala ang Bulacan ProvincIal Health office ng limang panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan, Huwebes, May 28.
Mayroon ng 184 na kabuuang bilang ng kaso sa buong lalawigan dahil sa mga bagong kasong naitala.
Ang limang panibagong kaso ay mula sa bayan ng Guiguinto, Malolos, San Miguel, San Ildefonso at Obando Bulacan

Samantala, nakapagtala rin ang ahensiya ng apat na gumaling sa naturang sakit, 2 sa bayan ng San Miguel, 1 sa Bulakan at 1 rin sa Guiguinto. Sa kabuuan ay mayroon ng 85 na nakarekober sa lalawigan.
Habang nananatiling 31 naman ang mga nasawi sa pandemya.
