Sa kabila ng krisis na pinagdadaan natin ngayon ay hindi nag-dalawang isip si Allen Mark na isauli ang napulot niyang 6,500 pesos.
Nang makita niya kung sino ang may-ari ng pera ay agad niya itong tinawagan upang maibalik ang nahulog na ayuda mula sa DSWD.
Labis naman ang pasasalamat ng nakahulog ng pera nang magkita ang dalawa sa tanggapan ng Barangay Gaya-gaya.